Actually may kagandahang dulot din sa ilan iyong pagkakaroon nila ng maling expectation sa trading nung nag uumpisa sila. Dahil sa di nameet ang expectations, may mga taong di na pinursige ang pag-ttrade at mayroon ding nag push pa at tinuloy ang nasimulan.
Sa mga nag move forward na traders, mas nilawakan pa nila ang kanilang kaalaman kung paano ihandle ang kanila trading goals just to make sure na di na mauulit ang mga maling expetations nila. Di naman sa totally ma perfect ang bawat galaw pero at least maminize ang mga possible loss sa bawat position na inexecute nila.
Sa totoo lang kasi, di talaga mabibihasa ang isang trader kung di niya mararanasan magkamali while they're progressing. Di nila maiintindihan ang ilan sa mga trading advice kahit basahin pa nila ng paulit-ulit kasi nga di pa nila alam pakiramdam ng naiipit sa pagttrade.