Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Palitan ang maling expectation sa Trading
by
Eternad
on 21/07/2025, 00:02:13 UTC
Share ko nalang din yung narinig ko during sa isang event about crypto, nadiscuss ng speaker yung importance ng pag seset ng realistic and idealistic goals para mas manage natin yung expectation and execution ng mga moves natin sa trading. Mas makakatulong ito para hindi ka mawala sa focus kahit na talo or panalo and mas mamotivate na magpatuloy kahit na baguhan palang sa trading. Hindi kasi maiwasan na mahaluan ng emotions sa trading and for me isa yun sa malaking factor na dapat maaddress to manage expectations.
This is true, lalo na sa mga new traders dahil marami sa mga kakilala ko na new traders ay nagbabaka sakali sa trading at magiinvest ng pera, tapos makikita nila na pulado kaya talagang sumisipa yung emosyon nila at nasisira yung strategy. One thing I tell sa mga kakilala ko na nagtatrade, one ma analyze nila yung market and nakapag set sila ng stop-loss and take-profit, mag offline muna or wag tignan ang market, hayaan na kung ano ang mauna sa dalawa which nag work saakin.

Dati pag nakita kong mga -5% to -10% na, automatic market stop na yon pero nung nag stick ako sa stop-loss ko and take profit mas nagiging profitable ako sa mga positions ko.
Ito yung pinakamalaking misconception sa trading, at kasalanan din ito ng mga ibang tao na nag popromote ng trading para lang maka invite at magka referral. Like kala nila pag trader ka eh mapera ka na at easy money na kaya madaming mga bagohan na di tumatagal after ilang trades pa lang at nauubos ang pera agad.

May iba kasi na nagpopromote lang ng trading platform pero wala naman talaga alam sa trading while may iba naman na maalam talaga sa trading at sinasabi sa mga followers nito na wag basta-basta susubok sa trading kung wals sapat na knowledge.

Same sa concept ng local online casino satin, may mga small trading platforms na naghi-hire ng influencers para gumawa ng video at ipromote website nila. Nakakita na din ako minsan ng ads na yun at pinapakita dun na konting minuto lang pwede ka na kumita ng pera. Since ang mga hinahire nila na influencers ay mga kilala din, marami ang nahihikayat magtrade sa pag-aakala na madali lang. Tapos ang ending malalagas lang pera nila at akala nila ang trading ay pagsusugal din.