Sayang talaga, pero tama lang din kasi lahat ng ginagawa may kaakibat na consequences, dapat lang ‘yan.
Actually, pare-pareho lang naman halos ‘yung ibang vloggers na nagpo-promote ng sugal sa social media, ang kaibahan lang dito, pati illegal na casino pinasok pa nila.
Pero kung seryoso talaga ang gobyerno na ayusin ang problema sa sugal, dapat kausapin nila lahat ng nagpo-promote.
Kahit hindi ito violation sa Meta, at least magawan ng paraan ng gobyerno na makausap sila at sabihang tigilan na ‘yung ginagawa nila.
Oo, kumikita sila pero ang mga mahihirap nating kababayan, lalo lang nalulubog sa hirap.