Post
Topic
Board Pilipinas
Re: GSIS NATALO NG 1 BILLION PESOS!
by
blockman
on 21/07/2025, 17:49:51 UTC
Tingin ko wala namang epekto yan. Ang stock na pinag investan naman ng GSIS ay pure gambling at hindi naman ganun ang Bitcoin at ibang crypto saka malabo na mag invest ang isang ahensya ng gobyerno sa Bitcoin dahil nga speculative. Ang nakakatakot lang baka sumunod yung SSS at iba pang agencies na may malaki pang pondo, unti unti ata nilang sinisimot sa maling paraan ang pondo ng Pinas, mapa maling investing, mapa ayuda at iba pang kalokohan na pinaggagawa nila. Ang balita ay barkada ata daw ni BBM yang si Jose Wick.

Yun lang din talaga alam mo naman gobyerno natin mahilig mag divert ng issue at kita mo naman wala na agad balita tungkol sa loss nangyari at parang taong bayan na naman ang  magbabayad sa kapabayaan nila.

Kaurat ang laki ng talo na yan at dapat may managot dyan. Pero ano pa nga ba ang aasahan sa administrasyon ngayon e kabarkada naman pala ni BBM yan edi lusot at malamang walang mangyayari dyan.
Sobrang laki ng talo na yan, kahit na sabihin na nakarecover ng konti ang stock ng Digiplus, sobrang layo pa rin sa 60+ pesos na buying area tapos ang price ngayon ay nasa 20+ pesos. Napakalayo niyan at binabalita pa ata na nakarecover kahit papano. Ang point lang diyan ay bakit sa taas bumili hindi noong mababa pa. Parang sa ginto lang din na nagbenta na kahit wala pa sa mataas. Parang sinisimot talaga ang pera ng gobyerno, taumbayan ang kawawa talaga nito na pagbabayaran natin ng matagal na panahon.