Sa aking pagkakaalam na karamihan sa mga influencers na sinabi nilang nasa top 20 listed nila ay hindi naman totoo na naban yung account nila, kundi nagkaroon lang ng suspension hindi dahil sa pagpromote ng gambling kundi dahil meron daw nagreport sa page nila bago pa man ang bagay na ito.
So, parang lumalabas na pangbabluf lang yung sinasabi na ito ng opisyales ng gobyerno na yan, kaya yang kay boy tapang fakenews daw yan, sinabi lang na ban pero hindi naman talaga kung tatanungin mo yung mismong may-ari ng page mismo sa FB. Pero gayunpaman, kahit daw madaming mga influencers ngayon ang naglinis ng kanilang mga content sa pagpromote ng sugal ay hindi ibig sabihin nun ay hindi na sila mananagot talaga kundi mananagot parin daw talaga sila na posibleng gamitin pa raw na gawing whistle blower.