Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paggamit ng Deepfake sa scam project
by
TravelMug
on 23/07/2025, 08:35:01 UTC
di na bago yung pag gamit ng deepfake ng mga scammer(may mga deepfake scams na pinost sa scam accusation board dati) pero ang nakakabahala ay habang nag aadvance ang AI ay mas lalong hihirap ang pag recognize sa mga legitimate na video at deepfake. habang tumatagal mas lalo talagang magiging mahalaga ang "do your own research first" para pangotra sa mga mas kapanipaniwalang deepfake na ginagamit sa scam.

it's high time na mag push ng stronger cybersecurity awareness subject sa mga school at sa masa.

Hindi na sya bago, pero ngayon dahil sa advance na ang AI, ang hirap na talaga natin malaman kung AI or ginamitan ng deepfake talaga. Maalala ko meron din isang case na ganyan, na yung isang babae eh nasa meeting pero ang mga kasama pala nya sa facetime meeting eh mga deepfake at inutusan sya ng scammer na nag panggap na CEO na magwithdraw ng pera at ipadala dun sa account na binigay ng scammer. Wala naman syang kamalay malay na mga criminal at scammer pala tong mga kausap nya kaya ayun sumunod naman siya. Kaya talagang nakakatakot ngayon dahil nga sa sobrang advance na ng AI. At alam din natin na sa bawat technology na bago, may kaakibat din tong maganda at pangit na dulot nito.