Kumusta na kaya yung mga kumita ng malaki sa pag-promote ng unregistered na casino, pero ngayon banned na mga account nila?
Mukhang tama yung figures na binanggit ni OP, kay Boy Tapang nga, may nabasa akong post na umaabot ng 125k to 150k bawat video. Ang laki nun, easy money lang talaga.
Grabe rin kasi marketing ng mga unregistered, dahil hindi sila nagbabayad ng buwis, kaya malaki budget nila sa promo.
Malamang kinakabahan na yung iba. Yung mga na-ban na, wala na silang magagawa. Pero yung mga guilty na nag-promote ng illegal casino, hindi na nila maikakaila 'yan, kasi kahit burahin pa nila yung video, nasa database na ng Meta 'yun. Good luck na lang sa kanila, kailangan na nilang humanap ng ibang pagkakakitaan.