Post
Topic
Board Pilipinas
Re: GSIS NATALO NG 1 BILLION PESOS!
by
aioc
on 23/07/2025, 23:31:28 UTC

Hindi lang ata isang bilyon ang nilagay nila dyan sa Digiplus, mukhang ilang bilyones din ang nilagay nila dyan sa aking pagkakaintindi sa napanuod ko, hindi ko nalang natandaan channel nung pinanuoran ko na youtube channel.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi i tototal ban ng gobyerno ang gambling kasi pag nag blanket ban sila wala ng paraan para makabawi pa ang Digiplus at tuluyang magiging zero na ang value at lalo pang lolobo ang kanilang pagkalugi.
Akala ng mga GSIS board komo gambling ay wala silang lugi bilang isang operator, wala naman talagang negosyo na walang lugi napatunayan natin ito noon pa noong pandemic, kung saan lahat ng negosyo na akala mo walng lugi nalugi.