Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paggamit ng Deepfake sa scam project
by
LogitechMouse
on 24/07/2025, 01:50:23 UTC
Recently lang ay may news na may scam project ang gumamit ng Deepfake technology para mang scam. Alam naman natin na madami pa dn sa mga kababayan natin lalo na sa province ay paniwalain pa dn pagdating sa usapang pagkakaperahan.

I’m madami tlaga mabibiktima na mga pinoy sa mga technology na ito dahil almost real talaga yung video kung wala kang idea sa Deepfake at sa mga scam techniques online.

Biruin nyo kahit sinong bilyonaryong businessman ay kaya ng magamit sa pang sscam.

Source: https://bitpinas.com/regulation/sec-advisory-deepfake-gokongwei/
Kung baguhan ka pa lang pagdating sa investing, mapapaniwala ka talaga lalo na't may credibilidad yung nagsasalita at mahuhulog ka talaga sa patibong ng mga scammers na ito.

Sa kabilang banda naman, kapag matagal ka nang nag iinvest at pamilyar ka sa term na "deepfake" at kung alam mo ang mga red flags pagdating sa investing ay hindi ka mahuhulog sa mga ganitong scam attempts ng mga scammers dahil alam mo kung paano piliin ang scam sa hindi scam na investment. Ang problema lang sa atin mga kababayan ay karamihan sa kanila ay wala or kaunti lang ang alam sa financial literacy. Karamihan naman ay ang iniisip lang ay yung returns at hindi ung risk na baka mawala ang kanilang pera.

Pagdating naman sa DeepFake, kahit sino ay kaya nang gumawa ng mga ganyang klase ng videos at napakarami na akong nakita online. Kung pamilyar kayo kay Chinkee Tan, kahit siya ay nagamit na rin sa pang-sscam gamit ang deepfake. Dalawa lang yan, either magdagdag tayo ng kaalaman pagdating sa mga bagong teknolohiya gaya ng ginagamit ng mga scammers, or hayaan na lang natin na ang karanasan or experience ang magturo sa kanila.