Medyo mahirap na talaga ngayon mag identify ng mga AI generated video lalo sa soc med dahil sa mga development sa AI, unlike before more on pag deepfake mapapansin mo agad yung deform na mata or dumdoble pa minsan or yung bibig pag nagsasalita sila naiiwan. Unlike ngayon may mga video na purely AI na mas enhanced and mapapaniwala ka lalo kung older generation pa ang makakakita. Kagaya nalang nung nabalita na Senator mismo napaniwala din ng AI vid, siguro it's time nadin para iimpelement ng mga social media platforms na irequire yung mga uploader na iindicate nila sa post or mismong vid na AI Generated lang yung content. If may makalusot pwede siya ireport ng mga viewers na may doubt sa video for take down and icontest nalang ng uploader with evidence if mali yung report. Kasi bukod sa crypto scams talagang talamak siya sa mga usual scams na exposed yung general public, especially today may report na nabawasan yung mga victims ng scam through text and call dahil sa implementation ng sim registration pero tumaas naman sa mga victims gamit yung internet and for sure malaki contribution ng pag gamit ni AI dito. So dapat stay vigilant palagi.