Kung hindi ko binasa ung article, sasabihin ko na mangyayari naman talaga yan. Ang hinihintay na lang natin ay kung kelan mangyayari pero noong binasa ko, nakita ko ito:
In his latest blog post titled Time Signature, BitMEX co-founder Arthur Hayes issued a bold forecast: $250,000 for Bitcoin and $10,000 for Ether by year-end. He called for a credit-fueled, crypto-led asset boom under a Trump-driven wartime economic agenda.
Yung year-end na term ang dahilan kaya bigla akong napaisip kung mangyayari nga talaga ito NGAYONG TAON.
Nagbigay naman siya ng mga rason kung bakit niya nasabi itong predictions na ito at knowing na si Arthur Hayes yan, isa yang KOL so para sa akin, mas may credibility pa siya na magbigay ng mga prediction kaysa sa mga ibang analysts jan na overexaggerated ang mga predictions. Ang isang naiisip ko lang ay kung may enough na liquidity ba para mapump ang price ng Bitcoin at Ethereum sa mga prices na yan. Ang pag-cut ng interest rate ng FED ay pwedeng maging isang rason para mag pump ang market, pero ang tanong eh may bagong pera ba na papasok para i-pump ang market.