Post
Topic
Board Pamilihan
Merits 1 from 1 user
Re: Nagbabayad ba kayo ng tax sa inyong crypto profit?
by
Russlenat
on 25/07/2025, 11:10:36 UTC
⭐ Merited by Ziskinberg (1)
Kung sa local exchange ka siyempre may buwis 'yan, pero sa totoo lang, wala pa akong kilala na talagang nagbabayad ng tax. Karaniwan, yung mismong exchange lang ang pinipilit ng gobyerno na magbayad. Pero kung talagang gusto mong makaiwas sa buwis, doon ka sa mga exchange na walang lisensya sa Pilipinas tulad ng Binance. 'Yan ang ginagamit ko ngayon, kaya hindi ako nag-aalala sa tax. Ang concern ko lang talaga ay baka ma-scam at wala akong habol. Pero kung iisipin mo, mas reputable pa nga si Binance kumpara sa lahat ng exchange dito sa bansa natin.