Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Crypto Party list sa pinas ginagawa na.
by
blockman
on 26/07/2025, 05:15:45 UTC
In the first place, wala akong tiwala dyan sa coach miranda miners dahil magpapayaman lang yan sa partylist dahil istilo palang ng ginagawa nya ganun na talaga ang nakikita ko sa kanya ever since palang, wala din yang pinagkaiba sa mga tonggressman na magiging amuyong lang ng mga buwayang opisyales dyan sa congress. Sa simula palang nyang coach miranda miners nakita ko na agad na magbibuild lang yang ng community at kapag nakapagbuild siya ay posibleng gagamitin nya ang pagkakataon na ito para makapasok siya ng politics at hindi nga ako nagkamali ng iniisip sa kanya sa ilang taon na pagbavlog nya tungkol sa crypto. Dahil sa casp rules ng SEC ito marahil ang naging dahilan kung bakit nya na naisip ang ganyang bagay.

Oo gusto ko na magkaroon tayo ng magrerepresent ng crypto partylist sa ating mga crypto community dito sa ating bansa, pero hindi siya yung gusto ko na kumatawan o sinuman sa mga kasamahan nya, kung meron man ako na gustong kumatawan talaga dyan ay si greco beljica florin hilbay at si Harold respicio o di kaya si Atty. Glen chong.
Parehas tayo ng tingin sa kaniya. At ang style niyan kasi take advantage ng community na nabuo niya. Kung totoong profitable ka sa trading at yumaman ka, why mag aksaya ka pa ng oras sa mga ganyang bagay? Dahil gusto mo magrepresent sa industry na meron tayo? imposible yan na walang kapalit at saka kung profitable talaga yan na trader, mag stay yan sa Pinas. Ngayon nasa Dubai siya dahil doon daw nag base ang company niya pero sa totoo lang, noong nagkahigpitan sa SEC dahil sa mga influencers, yan siguro naging paraan niya para magpatuloy sa business niya.