Ito na may niluluto na silang party list na mag represent sa mga Bitcoin or Crypto users sa bansa natin.
---
From speculation about having it now meron nang nag lakas loob na e represent ang crypto sa pinas. Hopefully talaga alam nila ang ginagawa nila at hinding pansariling interest lamang ang kanilang hangad dito.
Kayo susuportahan nyo ba ang party list group nato na mag represent satin crypto users sa congress?
Ano opinyon nyo dito?
Dahil matagal na rin ako sa crypto space, at matagal na akong follower ni Coach Miranda Miner, ibibigay ko ang support ko sa party list na gagawin nila.
Maraming negative opinions pagdating sa kanya pero may kanya-kanya tayong mga opinyon at isa pa, hindi natin alam kung ano ang magiging pros and cons nito or kung makakatulong nga ba sila sa pag angat ng bilang ng mga tao na nakakaalam tungkol sa crypto sa bansa natin o gaya lang din sila ng ibang mga party lists jan na andun lang dahil sa pera.
Matagal pa naman ang susunod na eleksyon sa 2028 pa. Sa dami ng mga pinoy na into crypto, walang nag initiate na gumawa ng ganitong party list at sila pa lang. Tignan natin ang kanilang plataporma sa 2028 eleksyon at kung makakatulong ito sa pangkaramihan then hangga't maaari i-support natin. Ngayon kung hindi naman then dun tayo mag-decide na hindi i-support.