Kayo susuportahan nyo ba ang party list group nato na mag represent satin crypto users sa congress?
Ano opinyon nyo dito?
Kung si Coach Miranda Miner ang mamumuno sa magiging partylist susuportahan ko sya pero base sa article, nagsusurvey pa lang sya kung dapat bang magkaroon tayo ng party list na magpupush ng interest sa crypto sa bansa natin.
Maganda yung initiative nya pero may mga nagdaan nang Filipino-owned crypto projects at community na hindi naging maganda ang resulta kaya kung mabubuo man sana ang partylist, dapat ang miyembro nito ay may maganda talagang motibo para mag-educate tungkol sa blockchain tech at di sarling interest lang.
Una naniniwala kasi ako na magiging daan ang party-list na yan sa crypto para sa crypto trax directly sa mga crypto enthusiast tulad natin, hindi malabong mangyari yan. So, magiging dagdag pasanin atin yan bilang mga crypto community. Second, Ano ba ang plataporma nya sa irerepresent nyang party-list? ngayon, yung sinasabi mong dapat maganda talaga yung motibo ng mga makakasama nya na member ay for sure yung kukunin din nyan ay yung mga members nya na tatango-tango lang din sa kanya.
sa ngayon nagsusurvey nga siya dahil pinakikiramdaman nya kung madami ba talaga ang susuporta sa kanyang balakin, dapat binabahagi nya muna yung advocacy na meron siya, dahil kung wala pa siyang advocacy talaga at survey lang ginagawa nya ay medyo question mark talaga sa akin yun? dahil ang magiging impak nito sa akin ay gagawin lang nyang source of income o pagpapayaman itong-party-list. Kasi kung alam natin yung advocacy nya kung meron man talaga ay dapat before palang bago siya maganunsyo ng ganyan ay before ay binabahagi na nya dapat yung advocacy na meron siya sa content na ginagawa nya. Eh wala naman akong napanuod na ganun sa mga content nya sa youtube ever since before. Saka sapat ba yung meron lang siyang knowledge blokchain technology? kung yun ngang mga lawyers na pumapasok sa pulitika nawawala pagkalawyer kapag nakaupo kasi puro pagiging corrupt na ang pinaiiral nila kung pano sila makakakuha ng pera sa kaban. Yan pa kaya, na hindi lawyer.