Since trending ang usaping sugal sa bansa natin ngayon, ishare ko na din dito ang tungkol sa video nitong vlogger na si Awit Gamer na nagsasabi kung paano sya nalulong sa sugal at naubos ang 69 million worth ng assets nya sa casino. Pinanuod ko yung video at sinabi nya dito na bukod sa 69 million worth na talo ay baon pa sya sa utang.
Hindi ako sure kung pano sya naging successful, kung dahil ba sa pagpromote ng sugal pero magsilbi sana itong leksyon sa mga kababayan natin na iwasan malulong sa pagka-casino kung saan mataas ang impluwensya ng sugal. Ok lang magsugal paminsan-minsan pero dapat kontrolado mo ang iyong sarili sa halaga na ipapatalo mo.
Eto yung source ng video:
https://www.facebook.com/share/v/1MAC4AdV6H/