Ito na may niluluto na silang party list na mag represent sa mga Bitcoin or Crypto users sa bansa natin.
Filipino crypto educator, entrepreneur, and influencer Arlone Paul Abello, also known as Coach Miranda Miner, is surveying the web3 community across the country on the potential creation of the Philippines’ first-ever Crypto Rights Party List, a political initiative aiming to represent the interests of the local blockchain and cryptocurrency community in Congress.
Full details of this news is here
https://bitpinas.com/feature/crypto-rights-party-list/From speculation about having it now meron nang nag lakas loob na e represent ang crypto sa pinas. Hopefully talaga alam nila ang ginagawa nila at hinding pansariling interest lamang ang kanilang hangad dito.
Kayo susuportahan nyo ba ang party list group nato na mag represent satin crypto users sa congress?
Ano opinyon nyo dito?
parang panukala nya boss na magkaroon ng partylist na magrepresent sa crypto, ito ang take ko dito, baka mamaya habulin lahat ng mga tao for tax na into crypto, possible yan agad ang titingnan ng congress lalo na ang mga masisiba sa pondo, kailangan natin ay isang bihasa na talaga sa crypto na maeexplain sa government at mga tao, kasi baka pag ito mga ito na naghangad sa partylist ang humawak, hindi sa sinasabi ko na masama siya pero if hindi ako nagkakamali may kilala ako na kagroup nya na tumakbo ng funds, not sure pero alam ko parang nakita ko na nakadikit siya sa kaniya.
Actually kahit wala yan sila ganun talaga ang mangyayari. Dahil kahit nga savings natin sa bangko may tax na dahil tingin nila sa interest na kinita natin dun kahit maliit ay profit nadin.
So kung mabaling ang atensyon nila sa mga crypto platforms at nakita nila na may malaking potensyal na kikita ang gobyerno ng malaki ay tiyak magkaka tax din tayo in future.
In the first place, wala akong tiwala dyan sa coach miranda miners dahil magpapayaman lang yan sa partylist dahil istilo palang ng ginagawa nya ganun na talaga ang nakikita ko sa kanya ever since palang, wala din yang pinagkaiba sa mga tonggressman na magiging amuyong lang ng mga buwayang opisyales dyan sa congress. Sa simula palang nyang coach miranda miners nakita ko na agad na magbibuild lang yang ng community at kapag nakapagbuild siya ay posibleng gagamitin nya ang pagkakataon na ito para makapasok siya ng politics at hindi nga ako nagkamali ng iniisip sa kanya sa ilang taon na pagbavlog nya tungkol sa crypto. Dahil sa casp rules ng SEC ito marahil ang naging dahilan kung bakit nya na naisip ang ganyang bagay.
Oo gusto ko na magkaroon tayo ng magrerepresent ng crypto partylist sa ating mga crypto community dito sa ating bansa, pero hindi siya yung gusto ko na kumatawan o sinuman sa mga kasamahan nya, kung meron man ako na gustong kumatawan talaga dyan ay si greco beljica florin hilbay at si Harold respicio o di kaya si Atty. Glen chong.
Hirap talaga mag tiwala pag may coach na naka dugtong ang pangalan

Parang ang impresyon ng mga may experience sa crypto or other investment schemes ay scammer ang mga ganito. Pero we can't deny na may maganda parin naman ding insights na binibigay ang taong yan. Pero gaya nga ng sinabi mahirap mag tiwala agad agad at baka pang personal lang tong ginagawa nila at gusto lang makakuha ng kapangyarihan at malaking salapi.
Good at mayroon naginitiative Ive been following him, and katulad niya ang alam ang kalakaran sa crypto space. Good thing na rin na maipush ito, sana lang yung mga advocates or makakasama niya sa party list or pagadvance sa plano na ito ay pure intentions lang talaga ang habol and no self gain interest. Hindi masyado to mapapansin kasi wala pa talaga ang full scale adoption ng crypto dito, pero may impact na din kahit papano.
Yeah good na may nag start nito at baka may iba pang mag sulputan na crypto advocate party list sa bansa natin para may mapag pilian naman tayo. Para di tayo magkamali sa mga taong aasahan natin.
From speculation about having it now meron nang nag lakas loob na e represent ang crypto sa pinas. Hopefully talaga alam nila ang ginagawa nila at hinding pansariling interest lamang ang kanilang hangad dito.
Kayo susuportahan nyo ba ang party list group nato na mag represent satin crypto users sa congress?
Ano opinyon nyo dito?
full support ako dito at since online ito madali ng bumuo ng regional online group para makuha yung 2% o higit pa.
Hirap mag full trust dito since hindi parin tayo dapat magtiwala sa mga taong sinasabing crypto advocate sila. Maiging aralin muna natin ang kanilang galawan para di tayo mag sisi. Baka maging cause sila ng trouble or di kaya monopoly sa bansa natin at papabor lang sila sa isang exchange at yung ibang malalaking exchange ay di makakapasok sa bansa natin. Baka di na natin magamit si Binance ng tuluyan if naging weapon sila ng mga existing big platform sa bansa natin kung may manipulasyon man ang magaganap.
Kayo susuportahan nyo ba ang party list group nato na mag represent satin crypto users sa congress?
Ano opinyon nyo dito?
Kung si Coach Miranda Miner ang mamumuno sa magiging partylist susuportahan ko sya pero base sa article, nagsusurvey pa lang sya kung dapat bang magkaroon tayo ng party list na magpupush ng interest sa crypto sa bansa natin.
Maganda yung initiative nya pero may mga nagdaan nang Filipino-owned crypto projects at community na hindi naging maganda ang resulta kaya kung mabubuo man sana ang partylist, dapat ang miyembro nito ay may maganda talagang motibo para mag-educate tungkol sa blockchain tech at di sarling interest lang.
Sana ganun at maging consistent sya sa advocate nya para may boses ang komunidad natin sa congress. At di sya madala sa systema dahil alam naman natin na madaming temptation pag nasa pwesto na at baka masilaw sa pera at mawala na yung pinaglalaban nya.