Post
Topic
Board Others (Pilipinas)
Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
by
Peanutswar
on 26/07/2025, 16:34:32 UTC
Naalala ko tuloy yung term na sumikat sa socmed about sa pag popost nga ng achievements without knowing na may naattract na palang negative vibes or impact sa iba. Evil eye yung tawag and hindi lang siya about sa crypto eh more on yung pag control talaga sa mga dapat mong ipost or hindi and kung hanggang saan lang yung pwede mo ishare sa iba even if friends mo pa. Innate kasi sa tao yung inggit and gaya nga ng sabi sa previous replies, Iba padin yung peace of mind na nagagawa pag humble ka lang and may control sa kung anong info lang ang gusto mo ipaalam sa iba. Kwento ko lang din yung classmate namin before na talagang lowkey lang and halos walang post or paramdam sa soc med pero bigla nalang nag my day na kasama na sa binance event and may mga napundar na. Kaya maganda talaga ikeep in mind yung saying na "work hard in silence and let your success be your noise" hindi lang sa crypto pero sa lahat ng aspect ng buhay.

Ito din reason bat mas okay maging low key nalang eh kasi minsan kahit ka close mo yung tao maari kapa ding taluhin nito eh. Pero mas okay if yung circle of friends mo kasi is mga related din sa crypto kasi possible nyan tulungan kayo sa mga upcoming projects, investment at syempre yung mga pwede nyong grind para pumaldo ika nga nila dapat asa tamang circle of friends ka kung gusto mo talagang umangat sa buhay at lalo na syempre sa crypto.