Kahit na pagandahin nila ang serbisyo nila kung may mga users na pangit na yung na experience sa kanila, yun ang mahirap ng baguhin lalong lalo na sa part nila.
Tingin ko wala na silang plano na i-improve ang service nila. Napaka-useful sana ng coins.ph dahil sa platform nila pwede mo magamit ang bitcoin at iba pang crypto mo pambayad sa basic necessities.
Para sa akin, goods si coins.ph sa akin kahit na may mga bad experiences ako. Kapag kailangan ng cash na sobrang bilis transaction sila ang go-to kapag need magbenta. Totoo rin yan na sobrang useful sana nila kaso parang hindi naman sila nakikinig sa mga users nila. Mapunta ka lang sa page nila, panay mga comment doon na hindi maganda at ewan ko lang kung tinetake note ba nila yung users feed back at kung mahalaga ba yun sa kanila.
Way back nung newbie ako nagamit ko pa yung loading feature nila bilang negosyo ko dahil may cashback yata nun tuwing magloload. Nagamit ko din minsan pambayad ng electricity bill namin.
Pero nung malaman ko yung mga issue sa kanila at narealize gaano kalaki price difference nila sa foreign CEX tinigil ko na paggamit ng account ko.
Naalala ko yang mga features na yan, loading at bills payment. Sobrang ganda at ang laki ng tulong na yun. Kung tinuloy tuloy lang nila siguro yun at minarket nila baka mas malakas pa sana sila kay Gcash ngayon. Kasi madami akong nakita na kahit hindi naman crypto investor ay gumagamit ng coins.ph app dahil nga sa mga features na yan tapos may rebate/cash back pa kaya yan yung outlet ng mga nagnenegosyo ng load dati.