Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 2 from 2 users
Topic OP
Maging maingat patungkol sa ating Crypto
by
fullfitlarry
on 18/08/2025, 23:50:28 UTC
⭐ Merited by TravelMug (1) ,cryptoaddictchie (1)
Nabasa ko tong thread ni @tech30338 na, Insedente ng kidnapping nagaganap isa kada linggo sa may mga crypto.. At napag tanto ko na sa panahon natin, lalo na grabe na ang social media platforms katulad ng Tiktok, Facebook, Instagram at kung ano ano pa. Napakahalaga talagang hindi na ilantad sa publiko kung meron may tayong crypto dahil nakapa ka delikado.

At lalo na yung mahilig lumabas dyan at makipag kwentuhan, katulad ng sa isang coffee shops, hindi mo alam baka may nakarinig ng pinag-usapan nyo at kayo na ang susuod na target. Marami ng klase naman ng krimen na involved ang crypto, katulad ng scam investment o hacking. Pero iba pag naging physical na ang pag-atake, yung tinatawag na "5 dollar wrenched attack".

Paalala lang naman to, lalo na nasa bull run na tayo, at sigurado na aktibo ang mga kriminal sa paligid natin, maging online o pisikal kaya dobleng ingat ang gawin natin. At mabuti na rin na tumahimik tayo at wag nag mag kwento kahit kanino, kahit sa mga kaibigan natin.


Kayo? Anong hakbang ang inyong ginagawa sa ngayon para ma-protektahan ang inyo sarili sa ganitong klaseng atak?