Siguro sign din ito na gusto nilang ipakita na hindi talaga sila bias dahil nga blinock din nila yun Binance last year pero syempre sa ating mga matagal na sa crypto, alam nating biased sila sa mga local exchanges dito sa PH. Andami kasi nila masyadong hinihingi pero yung crypto sa ibang bansa sobrang supported, meanwhile ang ating government naman ay gusto tayong gatasan through local.
Mahilig naman maghugas ng kamay itong mga nakaupo sa SEC or kahit saang departamento ng gobyerno kahit na obvious na may ill-intent ang implimentation nila.
Gusto naman talaga nila mag-comply since malaking volume din ang PH sa ASIA eh, kaso itong government parang ayaw naman pagbigyan na makapag-comply, ang bilis ng aksyon masyado. Di ko pa rin makakalimutan yung sinabi ni CZ na talagang may ibang party na humahadlang sa pakikipagugnayan nila sa SEC.
Naniniwala ako dito sa sinabi ni CZ, obvious na may malicious intent iyong pagharang sa kanilang application at malamang ay local competitor ang naguudyok nito.
If you'll read the SEC Memorandum Circular No.5 ang daming kailangan which is in short amount of time hindi talaga makakapag comply itong international exchanges compare sa lokal lang. Even just in the Paragraph 2.2 na kailangang merong physical office ay talagang malabong mangyari. I don't know know if merong physical offices yang mga exchanges na yan rito sa atin pero sa pagkakaalam ko wala naman.
In fairness, ang pagrerequire na may physical office ang anumang ahensiya na direktang nagooperate sa Pilipinas ay dapat lang talagang may physical office. Madali lang ba ito? OO madali lang naman ang requirement na ito lalo na sa mga multi-billion dollar comapany na tulad ng Binance.