Kanina lang ay nakareceived ako ng phone call sa online casino agent na nagbibigay ng bonus sa akin. Ang weird lng since hindi ako familiar sa casino nila kaya hindi ko sigurado kung paano nila nakuha ang number ko.
Sa Bingoplus lng ako may local casino account na nag submit ng number since naka automatic attached ang mobile phone sa gcash account.
Hindi ko na masyadong na entertain since duda talaga ako sa mga ganitong offer lalo na kung wala naman akong account sa kanila.
Either nag level up ng marketing ang mga online casino ngayon dahil sa recent move ng government na bawal na ilink yung gcash account sa casino or scam attempt itong call na ito.
May mga phone call bonus offer dn ba kayo na nareceive recently? Just checking kung in general ba ito.
Ang ibig sabihin lang ang information na binigay mo boss ay nadidistribute yaan, parang may group sila na parang ito ang tatawag, at may group na duon nakakeep ang information, maari kasi nila iyan ibigay for example subsidiary nila itong sugal na ito , maari nilang gamitin ang information na iyon, same lang yan pag nangutang ka, once nabigay mo na info, andami na nagooffer sayo ng kung anu anu, pero sasabihin nila ang info na iyon ay sa kanila lang, pero kalimitan, diyan pa sila kumikita binbenta nila information, hindi naman sila aamin or sasabihin ng tumawag na binigay neto, maari nilang sabihin na nasa database nila matagal na.
Ito din yung napansin ko sa mga local casino sa atin. Nagsha2re sila ng info sa ibang casino. Same mga banks at iba pang services na connected sila kaya sobrang hirap ibigay yung contact details sa mga local services dahil sa mga ganitong pangyayari.
Kahit sa inbox ko ay madami ng promotion msg galing sa mga casino na nagiinvite sakin mag register. Sigurado ako na sa Bingoplus lang ako nag registered since yun lang gamit ko sa gcash app.
Sana naman walang mabiktima dito since maganda siguro ang offer nila.