Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Phone call bonus offer ng online casino
by
TravelMug
on 21/08/2025, 08:22:09 UTC
May mga phone call bonus offer dn ba kayo na nareceive recently? Just checking kung in general ba ito.
Wala naman pero mga text messages lang at pati na rin sa mga messaging apps. Ang dami nila pero matagal na yun bago ako nakareceive, pero noong nagkaroon ng sim registration bill, nawala na halos lahat sila. Pero ang pumalit naman ay mga scam ulit. Ang dami nitong mga nagse-save ng mga numbers natin kung saan saan, nagsisisi nga ako na ginamit ko pa yung main number ko sa mga registrations na yan kaya rekta tuloy ako nakakareceive ng mga text dati. Sana naman tumigil na din itong mga ito pero yun nga lang, asa pa tayo na titigil yang mga yan.

Sa text message grabe talaga and dating iba't ibang number at ayun nga may bonus daw na matatanggap pag nag register ka. Pero maghihinala ka talaga dahil paanong nalaman nag number mo eh hindi ka nga nag register sa kanila.

Pero alam naman natin na nag share sila ng mga info nila kaya wala kang magagawa unless na may isa kang number na talagang pag register lang sa mga casino platform at hindi mo ginagamit ng personal para hindi ka makatanggap ng floods na galing sa mga online casinos whether illegal or legal man.