Kayo nasiyahan ba kayo sa balitang to at anong opinyon nyo dito?
medyo 50/50 ako sa news na to, I mean, medyo maganda na may nag pupush nito pero knowing our government, malaking chance na pumalpak to at ultimately na mauwi sa pangungurakot. I just hope na if ever maipasa to at maisagawa, maging transparent sila at ayusin nila ang pag manage.
Mahirap makurakot itong Bitcoin reserve dahil transparent ang Bitcoin blockchain at siguradong ipapublic ng gobyerno ang wallet address na hahawak sa Bitcoin reserve. Kung sakaling ma-aprubahan at marelease ang fund para sa Bitcoin reserve, madaling makita kung naisakatuparan ba ang planong ito sa pamamagitan ng pagcheck ng wallet address na naipublish to hold iyong Bitcoin na bibilhin.
Sa pagsubmit ng proposal for Bitcoin reserve, medyo alanganin ako na bibigyan agad ito ng pansin ng congress or ng senate. Baka tapos na ang termino ng presidente ay hindi pa ito pumapasa sa kongreso. Alam naman natin pagdating sa pagapprove ng isang bill proposal, kapag hindi siya ganun kainit sa masa, hindi ito pinapansin dahil nga sa kulang sa publicity.
off topic: napansin ko na napaka sobrang baba ng tiwala ko sa gobyerno natin, ahahaha.
Normal lang yan, sa dami ng kapalpakan na ginawa ng gobyerno at mga circus na nangyayari sa congress at senado, talagang bababa ang tiwala ng kahit sino.