Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ramdam niyo ba mga feeds sa social media niyo regarding crypto?
by
gunhell16
on 24/08/2025, 11:16:27 UTC
Madami talaga kabayan at alam ng algo ni google at FB yan basta napasearch tayo sa related na crypto websites. O kaya nakapagsalita tayo na kahit anong words na related sa crypto kahit pa hindi naka on ang WIFI natin basta abot sa mouthpiece ng phone natin. Dahil pag katurn on ng wifi natin, rekta agad yan sa algo ni Meta tapos yun yung mga ads na ibabato sa mga accounts natin. Hindi lang naman ito tuwing bull run pero sa ngayon nga, masyado silang marami at after ng ilang araw na hindi ka magsearch o magsalita na related sa crypto parang maglielow din naman.
No, no, hindi yan ang punto ko. What I mean is padami ng padami na naman yung mga nagsusulputang mga crypto gurus at base sa mga content nila at puro calls or di kaya mga paldo na latag. I know how the algo works pero ang punto ko talaga is parang papunta na naman tayo sa alt season kung saan ang dami na namang mga tanong ng mga gustong sumubok sa crypto base sa mga feeds na nakikita ko at sa mga comments narin.

Ano mga Trading fake gurus in terms of Hulalysis nila na pagmumukhain ang kanilang mga sarili na parang ang galing nila sa crypto trading pero basic lang naman yung kanilang mga pinagsasabi? Hindi na bago yan kabayan, may mga iba pa na na halatang kung ano yung madalas nilang ginagawan ng trade ay yun ang kanilang mga holdings din.

At yung iba naman panghahyped lang din ang ginagawa the usual things na ginagawa ng mga naunang fake gurus, tapos sasabihin nila na magjoin sa tg group of channel nila na hindi raw naniningil pero pero pag signal na yung binanggit ay dun na sila aatake ulit ng pera peraan hehehe Grin Cheesy