Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippine Crypto Regulatory Framework
by
TypoTonic
on 24/08/2025, 14:18:01 UTC
Yung pagpapatigil ng pagkuha sa VASP license effective hanggang 2025 o 2035? bakit parang sobrang tagal naman? hindi nalang sinabi na ban totally ang mga crypto foreign exchange dito sa bansa natin, hindi yung ganyan lantarang panloloko yang ganyang mga pinaggagawa nila. Ewan ko lang kung tama yung pagkakaintindi ko.

Kaya walang asenso ang bansa natin sa gobyernong meron tayo ngayon, edi lumalabas na kasinungalingan lang yung sinasabi ng Sec na binibigyan nila ng pagkakataon na makakuha ng lisence ang mga crypto foreign exchange kung ganyan naman pala yung policy ng pagpapatigil nila ng pagbigay ng VASP license? pero kung ngayon taon lang meaning kaya siguro nagbigay ng anunsyo na pwede ng kumuha ng lisence ang mga crypto exchange kaya ganun? tama ba?

As per Memorandum No. M-2022-035, natigil ang application ng mga bagong VASP licenses noong September 01, 2022 at magtatagal ito nang tatlong taon. Malamang ay iaangat na ang Moratorium na ito sa darating na Setyembre. Sa palagay ko mukhang totoo naman na bukas ang SEC sa mga foreign crypto exchange basta susunod sila sa mga alituntunin ng BSP para sa mga VASP at ng SEC para sa mga CASP.