Kayo nasiyahan ba kayo sa balitang to at anong opinyon nyo dito?
medyo 50/50 ako sa news na to, I mean, medyo maganda na may nag pupush nito pero knowing our government, malaking chance na pumalpak to at ultimately na mauwi sa pangungurakot. I just hope na if ever maipasa to at maisagawa, maging transparent sila at ayusin nila ang pag manage.
off topic: napansin ko na napaka sobrang baba ng tiwala ko sa gobyerno natin, ahahaha.
Nung nakita ko itong bill na ito, ang unang tanong kaagad na pumasok sa isip ko ay "Saan naman nila kukunin ung funds pambili ng Bitcoin?"
Tama, pwede rin sa bonds mang galing o kahit sa ano pa bang kita ng gobyerno. Yung GSIS funds nga nakapag invest sa gambling eh.
Kung mag-iissue sila ng bonds para makapag-raise ng funds, maganda pero kung ang gagawin nila ay mag priprint na lang sila ng pera para lang may pambili, magkakaroon ito ng masamang epekto sa ekonomiya natin dahil tataas ang inflation rate sa bansa natin at sure yan. Sana kapag nasa hearing na itong bill na ito, matalakay kung saan kukunin ung funds para mas clear dahil may malaking epekto yun.
Patungkol naman sa sobrang tiwala, dalawa lang ang naiisip kong dahilan. It's either dahil sa background niya, or hindi ramdam ng mga kababayan natin ang kanyang ginagawa. Para sa akin, dumating na sa point na hindi na ako apektado.
Kaya mganda rin talagang tutukan natin tong deliberation pag dating sa Bill na to. Malalaman natin gaano kalalim ang kaalaman ng mga mambabatas natin, yung hindi ang sila sumasabay na kung anong trend sa US at sa ibang bansa. So kung may time tayo pwede natin panoorin o kaya kahit isa satin pag may oras eh maka gawa ng summary para pag usapan natin dine.