Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Breaking News Philippine Bitcoin Strategic Reserve bill ginagawa na!
by
arwin100
on 25/08/2025, 09:50:44 UTC
Kayo nasiyahan ba kayo sa balitang to at anong opinyon nyo dito?
medyo 50/50 ako sa news na to, I mean, medyo maganda na may nag pupush nito pero knowing our government, malaking chance na pumalpak to at ultimately na mauwi sa pangungurakot. I just hope na if ever maipasa to at maisagawa, maging transparent sila at ayusin nila ang pag manage.

off topic: napansin ko na napaka sobrang baba ng tiwala ko sa gobyerno natin, ahahaha.
Nung nakita ko itong bill na ito, ang unang tanong kaagad na pumasok sa isip ko ay "Saan naman nila kukunin ung funds pambili ng Bitcoin?"

Kung mag-iissue sila ng bonds para makapag-raise ng funds, maganda pero kung ang gagawin nila ay mag priprint na lang sila ng pera para lang may pambili, magkakaroon ito ng masamang epekto sa ekonomiya natin dahil tataas ang inflation rate sa bansa natin at sure yan. Sana kapag nasa hearing na itong bill na ito, matalakay kung saan kukunin ung funds para mas clear dahil may malaking epekto yun.

Patungkol naman sa sobrang tiwala, dalawa lang ang naiisip kong dahilan. It's either dahil sa background niya, or hindi ramdam ng mga kababayan natin ang kanyang ginagawa. Para sa akin, dumating na sa point na hindi na ako apektado.

Hawak ito ng BSP at plano nilang pundohan thru government national asset. Pero anlabo nito no parang hirap isingit nito lalo na madami ang corrup sa bansa natin.

Di din magandang option yang mag print sila ng pera dahil affected lahat dito. So ang other option na pwede nilang gawin talaga ay mag separate sila ng pundo para dito. Nagawa nga nila ito sa maharlika funds at baka yung funds sa program na yan ay mas mainam na ilagak nalang nila kay Bitcoin.

So far wala pa naman talagang aasahan pero maganda parin ito dahil may gumalaw na isang mambabatas at baka sasusunod na administrasyon ay malay natin ma approve ito.


Sabi nila okay lang daw kasi ginagawa naman sa other countries but syempre we're on a 3rd world, iba ang takbo ng ekonomiya dito so pwedeng may negative effect ito, ang good thing is syempre nasimulan na yung mga ganitong bagay sa crypto at papangunahan natin. Siguro para mas maging supported ito, simulan nila sa mga CEX na hindi i-block, at maging fair at competitive ang mga local exchange dito sa bansa natin. If the government is trying to do this, dapat aware din sila sa mga kababayan nilang nag ccrypto din.

Tsaka another thing yung funds? Siguro i-settle muna nila talaga yung magandang allocation ng funds sa mga departamento na worth it talaga, issue nga din ngayon yung sa DPWH sana maresolba din yun, kasi mamaya yung funds na gagamitin din dito is sa atin kukuhain at increase na naman ng tax sa isang bagay (katulad nalang nung digital products na grabe yung tax compare to other SEA countries) 10k BTC is worth a lot, 1.1B USD yon eh which is hindi biro. Katulad din yung sa GSIS ininvest sa stocks na related to gambling, tapos down ng ilang percent, sabay pinasok recently sa PSEi para maregain kaso wala din. Kaka-frontrun mo sa insider info, napasama pa.

again, positive ako sa move na 'to pero i just don't trust how the government implement things. laging tao apektado.


Di naman sana talaga mahirap ang bansa natin kung ang pondo ng gobyerno ay nagagamit lang talaga sa tama.

Kaso daming perang nasasayang dahil sa korapsyon at ang effect nito ay kahirapan dahil hindi na maayos ang mga programa ng gobyerno dahil iilang ganid na pulitiko at mga tao lamang ang nakikinabang sa pera ng taong bayan.

Kungma mangyari man na mawala sana yang greedy politicians na yan at magamit sa magagandang programa na ikaka unlad ng bansa natin baka makakaalis na tayosa status na ganyan.