Will it prevail? We will know. Once we do, its another stepping stone para sa mga crypto enthusiast na buksan ang mata para makita na crypto is booming sa ibang bansa and dapat ay hindi tayo magpahuli kahit sa totoo huling huli na.
Dito natin malalaman kung marami sa mambabatas natin ay maalam ba pagdating sa cryptocurrency. Alam naman natin na karamihan sa kanila ay may edad na at hindi na updated sa latest na technology.
Marami pang proseso ang dadaanan ng proposed bill na to pero looking forward din ako na ma-approve sya. Maganda itong catalyst para marami pang mag-adopt ng bitcoin sa ating bansa.
Hindi na natin kailangan malaman yang sinasabi mo dude tungkol sa mga mambabatas na meron tayo sa bansa natin, dahil lantad naman kung anong panahon ang meron tayo ngayon. Puro palabas lang sa simula pero walang natatapos, Flood control pa nga lang na easy money sa mga buwayang opisyales natin ngayon lantad na lantad na puad ng korupsyon talaga, yan pa kaya. Sa tingin mo pag-aaksayan nila ng panahon yan?
Kung yun ngang 40 pages na sinampa daw nilang kaso kay vp sarah para sa impeachment hindi nila binasa kahit isang page manlang, basta pumirma lang may 150m agad, easy money agad diba? yan pa kaya. Maharlika fund nga wala lusaw na, hindi natin alam san na napunta na dapat at least manlang ito yung ginamit nilang investment para sa bitcoin reserve, yan pa kayang panukala palang. Baka gawin lang nilang isang paraan yan para pagnakawan ulit ang kaban ng bayan. Nasa panahon tayo ngayon na kung saan namamayagpag ang mga kawatan at buwaya sa gobyerno natin. Kaya hanggang ganyan lang yan. Kahit suportahan natin yan, wala ring patutunguhan yan kung kawatan naman ang majority sa gobyerno natin ngayon.