Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Sec pinalawig pa ang pagban sa crypto at lending app
by
xLays
on 26/08/2025, 20:18:24 UTC

Maganda ang layunin ng SEC regarding sa online lending apps, dahil madami nadin akong nakita kung papanu sila maningil, at para matigil nadin ang gingawa nila na panghaharass sa mga tao na nagkautang sa kanila.
anung masasabi ninyo sa pagflag ulit nila sa mga nasabing crypto exchange, eneemail kaya nila ang mga company ng exchange para magcomply or through post lang nila or balita ito inaanunsyo?

Masyado nang alarming ang ginagawa ng mga lending apps na ito marami na ang nagpapakamatay at nag kakaroon ng depression matatawag na criminal activity ang ginagawa nilang ito, tayong mga pinoy ay mahilig talaga mag loan kasi dahil sa katayuan natin sa buhay na minsan kinakapos dahil sa mga gastusin.

Kaya dapat kung mag loan tayo doon tayo sa legal at hindi tayo lugi sa kanilang interest at walang magbabanta na mangyayari sa atin kung di tayo makabayad o madelay ang pagbayad.
Na try ko isang beses yung moca moca na OLA grabe yung tubo almost 50% yung 1st loan ko tapos magkano lang naman yung loan. Buti maliit lang yung loan ko at nabayaran ko. Pero imagine 50%. Yung 50% na yun kasi ang daming fee, isa na dun yung service fee na napakalaki bukod pa sa interest. Tapos kapag hindi ka nakapa bayad ng due tawag ng tawag.
Tapos pag titingnan mo yung feedback sa google play store ang feedback ang taas. Puro positive.
Dun ako tumingin kaya napautang ako. Take note legal na app ito ha. Naka register pa sa Sec.