Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Breaking News Philippine Bitcoin Strategic Reserve bill ginagawa na!
by
arwin100
on 27/08/2025, 22:30:37 UTC
Ito na yung hinihintay natin at may good updates na patungkol sa Bitcoin strategic reserve plan sa bansa natin dahil may isang mambabatas na ang nag file ng Bill na gumawa ng batas patungkol dito.

Basahin nyo to.

Quote
House Committee on Information and Communications Technology (ICT) chairperson and Camarines Sur Rep. Migz Villafuerte urged the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) to put up a strategic reserve for “Bitcoin” (BTC), amid the increasing value of the first-ever decentralized currency, to help improve the country’s financial stability.

More details about sa balitang to https://politiko.com.ph/2025/08/22/migz-villafuerte-to-bsp-establish-strategic-bitcoin-reserve-diversify-asset-base/politiko-lokal/

Tingin nyo may chance ba to na pumasa? Pero sa tingin ko lang pag current administration ang mag handle nito baka hindi din or di kaya baka mauwi lang sa katakot takot ka kurakotan.

Kayo nasiyahan ba kayo sa balitang to at anong opinyon nyo dito?

Unang-una hindi naman sa pagiging negative, plano palang yan, wala pang approval. Tandaan lamang natin madami tayong mga nagawang magagandang bill na hindi naeexecute ng tama at karamihan sa mga yun natutulog lang. Ang inuunang mga bill na inaprubahan ay yung nakikinabang ang mga kawatan na pulitikong korap. ito yung totoong nangyayari, let's face it, hindi lang ito alam ng karamihang mamamayang pinoy.

Maganda yung adhikain ni Villafuerte, pero wala rin akong tiwala sa tao na yan, wala rin yang pinagkaiba sa ibang mga kasama nyang tongressman din sa congress, malabo pa sa putik yan na mangyari, nakikita naman natin kung ano ang priority ng mga kawatang opisyales natin ngayon sa gobyerno. Kung meron man dapat na manguna dyan ay dapat ang Presidente ng bansa natin, pero kung manggagaling lang sa mga tulad ni Villafuerte I really doubt, kung yung US nga eh walang plano na bumili para sa bitcoin reserve na manggagaling ang pondo sa gobyerno nila ito pa kayang administrasyon na ito na sobrang tuta ng US, think about it.

Actually hindi sya plano lang kabayan. Actually filled bill na sya which is House Bill No. 421 na sa ngayon ay waiting nalang for committee review.

Pero I understand your doubts regarding sa pag pasa ng batas nato dahil halos lahat ng mga mambabatas natin ay makaluma at sa corruption nakatutok sa ngayon. Kaya sadyang malabo talaga na maging ganap na batas na ito dahil malamang sa malamang pagdududahan ito ng mga gurang na politiko at baka hindi sila agree sa idea nato.

Maganda parin na na open up ang topic na ito ngayon dahil baka next time may magandang mangyari lalo na kung mawala na yung mga traditional politicians sa bansa natin at may bagong president na tayo na open for new good developments para sa ikaka unlad ng bansa.