---
No, no, hindi yan ang punto ko. What I mean is padami ng padami na naman yung mga nagsusulputang mga crypto gurus at base sa mga content nila at puro calls or di kaya mga paldo na latag. I know how the algo works pero ang punto ko talaga is parang papunta na naman tayo sa alt season kung saan ang dami na namang mga tanong ng mga gustong sumubok sa crypto base sa mga feeds na nakikita ko at sa mga comments narin.
Ganito ang trend hindi lang sa atin pero pati rin sa ibang mga influencers sa labas ng bansa natin.
Kapag bull market, dumarami ang mga content creators na nag cocontent ng kanilang mga gains tapos manghihikayat. Dumarami ang mga influencers na nagmukukhang magagaling dahil kumikita sila at pinapakita nila yun sa channel nila. Dumarami ang mga taong nanghihikayat ng mga baguhan na ang iba sa kanila ay nagbebenta pa ng mga kung ano-ano para lang makasali. Kapag bear market na, nagiging silent na ang mga ito dahil hindi na sila kumikita dahil pabagsak na ang market. Hindi na sila kumikita sa trading dahil bumababa na ang value ng kanilang mga holdings. Nakakahiya sila sa totoo lang pero wala tayong magagawa dahil at the end of the day, mayroon pa ring mga baguhan na mahuhulog sa kanilang patibong.
Anyway, dumarami na nga talaga ang mga nakikita ko sa social media. Mga taong mga "GURUS" kuno pero pag bear market, hindi mo na mahagilap.

Hinahayaan ko na lang din dahil alam ko naman kung sino ang mga dapat kong i-follow base sa kanilang content sa loob ng maraming taon.