Dapat din maregulate yang mga lending apps. Dahil diyan din madaming mga kababayan nating mga adik sa sugal kumukuha ng pang pondo nila sa mga gambling platforms. At kapag hindi na makabayad, may pangingikil na mangyayari. Hindi ko kinakampihan yung mga palautang pero dapat magkaroon ng kaayusan kung paano sila maningil. Dapat lang din naman na maging responsable itong mga kababayan natin na magbayad dahil kapag nabaon sila sa utang, wala nang balak magbayad. The way kasi sila maningil, parang nanghaharass. Nadamay pa nga ako diyan noong ginamit number at pangalan ko as reference ng di ko naman close na kakilala.
Yung paraan ng paniningil ang talagang dapat matutukan meron kasing mga palautang nandadamay un tipong bibigay or gagamitin un number mo para maging co-barrower or parang gagawin kang reference tapos pag hindi na nagbabayad madadamay ka na sa mga guguluhin, meron pang mga insidente na yung mga kamag anak at mga kaibigan sa social media account kokontakin at sila yung pipilitin maglabas ng info dun sa nangutang kaya kailangan talagang matutukan talaga un mga lending app na yan.