Ano masasabi ninyo dito mga kabayan? Siguro oras na rin para magalit tayo, kasi yung mga taong tinatawag na honorable, sila pa yung nangunguna sa pagnanakaw sa atin.
Dapat tayong magalit at marami talagang mga kababayan natin ang talagang nagagalit na, sa mainstream media, sa social media nilalabas nila ang galit nila, ok lang na mangutang tayo kung tama ang paggastos, pero ang lumalabas ay ampaw ang ginagawang proyekto may narinig pa ako sa isang whistle blower na 30% lang talaga ang napupunta sa actual na project, isa itong vicious cycle masisira ang mga project at maglalaan na naman ng budget para dito.
Kaya tama lang na ma expose ang mga pulitiko na nakikinabang sa ganitong kalakaran, wala talagang kapantay ang greed ng mga pulitikong ito.