Ano masasabi ninyo dito mga kabayan? Siguro oras na rin para magalit tayo, kasi yung mga taong tinatawag na honorable, sila pa yung nangunguna sa pagnanakaw sa atin.
Kung sino pa ang edukado sila pa yung mga magnanakaw. Kaso hindi na tatablan yang mga yan ng hiya dahil nasanay na sila at naging norm nalang ang pagkukulimbat ng budget na para sa mga tao. Kung ang US ay may utang din na pagkalaki laki, sa atin naman kakapanganak palang ay may utang na. Siguro bago umunlad ang bansa natin kailangan maging self sufficient tayo magmula sa pagkakaroon food security at mabawasan din ang utang ng bansa natin. Partida niyan, nagbenta pa ng tole-tolenadang ginto niyan na galing sa reserve natin.