Sa tingin nyo ba realistic ito para sa Pilipinas? May mga pros and cons ba pag linagay ang national budget on-chain?
Madaling sabihin pero mahirap gawin ang sinabi ni Senator Bam na paglagay ng National Budget natin sa blockchain. Para sakin hindi pa ito realistically possible dahil sigurado marami ang tututol sa panukala nya. Alam naman natin na malaking porsyento sa gobyerno natin ay outdated pa din sa latest na technology.
Dagdag ko pa yung implementation cost. Sino yung gagawa ng smart contract at magme-maintain nito at siguraduhing hindi mali ang nakarecord sa blockchain. Baka dito pa magsimula ang bagong modus ng korupsyon kung ang grupo na hahawak ay hindi din maganda ang intensyon.