Mahaba-habang imbestigasyon pa mangyayari dyan sa Flood control project issues; ending nyan baka iilan 'lang din makakasuhan and mostly 'yung mga nasa baba 'lang ng foodchain. 'Yung mga pasimuno baka mauna pang umalis ng bansa and we will never hear from them ever again, they'll be sipping margarita in a private beach in the other side of the globe while tayo dito nagtitiis sa kaliwa't kanang baha.
In certain countries, death penalty parusa 'dyan sa mga corrupt and I think meron din bill na isinusulong ngayon that's similar to it? Not sure 'lang if maipapasa 'yan. If magiging aktwal na batas na 'yan, kabahan na talaga mga kurakot and future mangungurakot.

May nakita akong isang post about dyan na parang nag aayos na sila ng mga banks nila para pag sinilip is hindi halata forgot san ko nakita yun kasi ang dami nang topics na nag sulputan recently about sa flood control project eh imagine sa ibang bansa grabe yung government officials nila pag nag kamali sila mismo pero dito talagang pakapalan nalang na hinubog ng panahon eh dito na nag come up yung result ng mga ginawa din ng ilan nating mamayan na pag boto ng maling mga tao sa senado or even the government officials.