Wala rin talagang magagawa ang mga regulators, kasi kahit sabihin nilang banned na, naa-access pa rin naman.
Kahit naman na i-ban nila, sa sistema ng serbisyo nila ay hindi pa din sila tatangkilikin ng Pilipino. Gagawa at gagawa pa din tayo ng paraan para ma-access ang mga foreign crypto exchange.
Hindi crypto-friendly ang mga local exchanges dito satin. Kahit pang-hold ng bitcoin sa kanilang platform ay delikado dahil sila mismo walang bitcoin reserve para sa mga users nila.
Yun lang, pero kung regulated talaga sila, dapat bantayan ng BSP yan. Buti pa sa US, yung USDT na regulated required talaga na may reserve. Sa banko nga may limit lang na mga P500k na yata ngayon kapag may bankruptcy, pero sa crypto mas malaki talaga ang mawawala at mahirap pang ma-recover lalo na kung na-hack na. Dapat nga mas malaki ang insurance nila.
Pero kung ganyan rin naman ang sistema ng palitan, mas okay pa minsan sa unregistered exchanges na lang tayo.