Ayon sa balita, hindi muna mag-aapprove ng bagong Game VASP (Virtual Asset Service Provider) ang BSP para daw protektahan ang publiko laban sa risk ng money laundering at terorismo financing. Totoo rin na may ilang exchanges na na-ban o biglang nagsara kamakailan, kaya mas mahigpit ang pagtingin nila. Parang gusto nilang i-limit muna sa mga matagal nang regulated players gaya ng Coins.ph at GCash.
Yan ba talaga ang dahilan kasi kung applicable ito sa bansa natin bakit naman yung ibang bansa kung saan legal ang operation ng mga popular na exchanges na ito hindi ito kinoconsider.
Ang mas obvious ay mas pinapaboran nila ang local exchanges at wala silang konsiderasyon sa kapakanan ng mga local traders, yun ang nakikita ng marami at marami ang nadidismaya kasi nAsa kama na yung mga traders pinalipat pa sa sahig ng BSP.
Karamihan ng mga local traders ay walang magawa kahit mag boycott ay wala sila magagawa dahil ito lang ang mga exchangs na ito ang option nila.