Ayon sa balita, hindi muna mag-aapprove ng bagong Game VASP (Virtual Asset Service Provider) ang BSP para daw protektahan ang publiko laban sa risk ng money laundering at terorismo financing. Totoo rin na may ilang exchanges na na-ban o biglang nagsara kamakailan, kaya mas mahigpit ang pagtingin nila. Parang gusto nilang i-limit muna sa mga matagal nang regulated players gaya ng Coins.ph at GCash.
tingin nyu dito, justifiable ba ang move nila, or may reason behind na corruption?
---
Pwedeng may corruption na involve, pwedeng legit yung sinasabi nila na ginawa nila ito para labanan ang money laundering at pag finance sa mga terorista pero isa lang ang totoo at alam kong alam nyo rin ito. Bulok pa rin ang mga local exchanges natin.

Walang biro na yan.

Patungkol naman sa hindi pag-approve ng bagong VASP para sa mga ibang exchanges, well may kakayahan naman silang gawin yun so hayaan na lang natin. At the end of the day, may access pa rin naman tayo sa mga exchanges na ginagamit natin.
---
Pansinin nio yung mga komento ng mga kababayan natin sa comment section kung saan sila nagbabalita ng ganitong mga bagay, makikita ninyo na lahat halos ay ayaw talaga nilang gamitin ang loka exchange na meron tayo.
Ayaw gamitin ng mga tao kasi napakabulok naman talaga ng mga local exchanges natin. Realtalk yan.

Hindi tayo pinanganak kahapon kaya alam na natin kung ano ang maayos sa hindi. Ang mas comfortable sa hindi, kung ano ang mas okay at hundi. Kung gusto ng mga local exchanges na ito na gamitin natin sila, at least makipagcompete sila sa mga ibang exchanges or better na gayahin. Pakiramdam ko mga baguhan na lang na kababayan natin ang gumagamit ng mga local exchanges natin pero once na nagka-idea na sila, marerealize nila na mas maganda kung gagamit sila ng ibang exchanges bukod sa mga exchanges natin na nasa bansa.
Local exchanges nga sila. Literal na local meaning "bulok".