Justifiable naman dahil sa risk ng terrorism funding at money laundering. Pero, lagyan natin ng pero dahil kung hindi talaga nila ipa-priority ang good markets at competitions, tama yung ginagawa nila. Sa atin bilang mga users, alam natin na mas maganda kung maglalaan pa sila ng mga panibagong VASP licenses para sa new competitors. At kung ito naman ang valid reason nila kung bakit tinitigil muna nila, wala din naman tayong magagawa at para sa akin, okay naman yung rasunan nila. Sad nga lang dahil hindi priority ang better competition.
Hindi naman siguro kailangang itigil, kasi pangit pakinggan ang salitang ‘stop.’ Para bang sinasabi nito na hindi nila kayang i-check ang kredibilidad ng isang exchange na papasok. Marami sigurong gustong mag-apply, gaya na lang ng Binance na napabalita na hindi makapasa dahil nahihirapan sa requirements at dahil na rin sa corruption sa loob. Kaya tuloy parang monopoly ang gusto nilang mangyari.
CZ Claims a ‘Local Player’ Was Blocking Binance From Securing License in the PhilippinesParang sa telco lang din - gusto nila malalaking kumpanya lang gaya ng Globe, PLDT, Converge, at iba pa. Buti na lang at naipasa ang Konektadong Pinoy law na magpapaganda ng kompetisyon, dahil puwede na rin pati foreign players at maraming small players na maging providers.”