Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Mga Kritiko na bumaliktad at napaniwala ng Bitcoin/Blockchain/Crypto
by
bhadz
on 02/09/2025, 21:11:26 UTC
Inaantay ko si Peter Schiff na magbago ang isip dahil panay pambabash ginagawa niya sa bitcoin. Nauunawaan ko naman yun dahil gold bull siya at nasa traditional setting din ang style of investing niya. Pero yung anak niya, parang nabanggit ata na naghohold ng bitcoin. Kaya sobrang bullish sa tingin ko kapag itong tao na ito ay magbago ng isip bigla bigla at magsabi na naghohold na siya ng Bitcoin o di kaya maging $1M ang BTC soon.

Sa tingin ko si Trump na ang pinaka peek na maimpluwensyang tao sa current time ang sumusuporta sa Bitcoin dahil naiimpluwensyahan nya ang US na maging pro Bitcoin while sa dating admin ay puro negative sa Bitcoin kaya ang bagal ng pag angat.
Tama naman, si Trump parang pinakafinal boss sa lahat ng mga maimpluwensiyang tao sa mundo na nagkaroon ng back up at support para sa Bitcoin. Sobrang laki ng naitulong niya, hindi natin talaga ma-deny yang bagay na yan. Dahil magmula palang ng kampanya niya hanggang maupo na siya. Parang napabalita ata yung health niya ay may problema pero sana maging okay siya.

Although malaking tulong kung susupport na si Peter Schiff sa Bitcoin pero duda ako na mapupush nya ang price sa 1M. A bit stretch na ito sa price expectation natin.

Pero sana mangyari nga itong speculation mo.
May mga fanatics din siguro yan sa gold sector at baka mahatak niya. Pero ang point lang din naman ay magstop na siya sa pambabash sa Bitcoin.