Ganyan nga ginawa sa akin. Wala naman akong maalala na sinabihan akong gagamitin number at name ko for reference. Pero isang beses lang naman nangyari yun at kung may tatawag man at pati ako pagmumurahin, simple lang ang isasagot ko sa kanila na bahala sila sa buhay nila at wala akong pakialam sa utang ng iba. Hindi nga ako nangungutang dahil mahirap magkaroon ng utang at saka yung interes pa tapos ganun gagawin nila. Kaya mahirap din talaga magtiwala sa ibang tao at iwas nalang din sa mga mahilig mangutang na mga kaibigan at kamag anak.
Masama nun kabayan natapat na kagigising mo lang or badtrip ka nun araw na Yun, tapos matatanggap mong tawag pananakot tungkol sa utang ng iba sarap siguro nun murahan at takutan kayo nun kausap mo Hahaha, pero mabalik tayo sa seryosong usapan kaya din naghihigpit un sec patungkol dito kasi nga may mga concerns Gaya ng mga taong nagpapakamatay dahil sa stress na nakukuha galing dun sa mga harassment na tawag, kaya nga mas mabuting wag na umutang kung kayang maiwasan para hindi ka mamroblema lalo na sa ganitong paraan ng pangungutang.
Oo nga, may ganyang mga pagkakataon talaga. At valid din naman ang ginagawa ng SEC at totoo yang mga ganyang issue na may mga suicides na nangyayari dahil hindi nila kinakaya kung paano maningil itong mga lending apps na ito. Pero simple lang din naman kasi yan, basta umutang ka, dapat bayaran mo. Malaki man o maliit, dahil noong gipit ka ay pinagbigyan ka at tuparin ang napagkasunduan sa bayaran.
Yun Sana ang Tamang approach kabayan, utang kasi yan at obligasyon na dapat bayaran kaya dapat bago ka nangutang meron kang inaasahan na pambayad, nangyayari kasi madalas kinakalimutan un bayaran kaya nauuwi sa ganitong sitwasyon, mas maganda wag ka na lang. Mangutang kung ayaw mong mauwi ka sa ganyan problema. Mas maigi na lang siguro kung ganun.