Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Mga Kritiko na bumaliktad at napaniwala ng Bitcoin/Blockchain/Crypto
by
bhadz
on 03/09/2025, 05:50:31 UTC
Inaantay ko si Peter Schiff na magbago ang isip dahil panay pambabash ginagawa niya sa bitcoin. Nauunawaan ko naman yun dahil gold bull siya at nasa traditional setting din ang style of investing niya. Pero yung anak niya, parang nabanggit ata na naghohold ng bitcoin. Kaya sobrang bullish sa tingin ko kapag itong tao na ito ay magbago ng isip bigla bigla at magsabi na naghohold na siya ng Bitcoin o di kaya maging $1M ang BTC soon.

Naalala ko iyong isang yt video tungkol sa discussion about Bitcoin titled Impact Theory Interview (March 13, 2024) kung saan guest si Peter Schiff
““Do I wish I had made the decision to have thrown $10,000, $50,000, $100,000 into it? Sure,” said Schiff, adding:

“I may be worth hundreds of millions assuming I didn’t sell but again I don’t know what I would have done had I made that decision.”

Dito makikita ang panghihinayang nya na he missed the early investment.

Inadmit nya rin sa social media noong 2020 na isang pagkakamali ang hindi pagbili ng Bitcoin ng una nyang marinig ito at itong huli noong June 2025  ay inulit nya ang pagsisisi ng hindi pagbili ng Bitcoin ng una nya itong marinig.


Kaya pala may pinanggagaling yung hate niya. Hindi pala dahil hate niya talaga ang Bitcoin, kung hindi hate niya na hindi siya nakabili noong medyo mababa pa. Sayang talaga kasi baka isang whale na rin siyang individual. Mas okay pa yung anak niya na nakabili at naghohold sa hanggang ngayon. Ngayon, parang nababawasan na din yung hate ko sa kaniya dahil may regret din pala siya kahit papano at sino ba namang hindi magsisisi na dati alam mo na tapos may pera ka pa pero wala kang ginawa kahit na bumili lang sa maliit na halaga.