Sa Facebook talaga madami. Pero itong malware na to eh sa Android, so ibig sabihin ang mode of infection nito eh i download sa cp natin tama ba?
At sa pagkabasa ko eh hindi naman na-target tayo pero although syempre sa Play store to kaya posible parin na meron sa tin na ma trap dito. Sinubukan ko rin tingnan kung meron, so far valid na tradingview app for android ang lumabas.
Oo, tama ka kabayan na sa Android nga ito, pero ang entry point ng malware ay kapag ito'y iyong na download at na‑install (note yung na install hindi bastang na download lang, check or read the OP again). I think sa image na binigay sa OP hindi ito nag direkta sa mismong Play store rather sa app lang ng Facebook or just the default browser.
You mean you clicked the website na naka code rito ng OP? Tell us na joke lang bro? I don't think na magkakaroon ng same Tradingview app sa Play store, that's unlikely. Itong malware was probably just modded na magmukhang TV app pero ang lamang talaga ay mga peke just to steal kung ano man yung pakay ng mga hackers.