Salamat sa info, kaya pagdating sa facebook ads talagang ingat na ingat ako sa pagclick, saka kita namang hindi finifilter ng admin ng facebook mga ads nila. Dapat may responsabilidad ang mga social media kapag nakapagkalat sila ng malware kasi binabayaran sila ng mga hacker na ito para ipromote iyong panghahack nila.
Guys, pag may nakikita kayong ganito na mga ads kahit saan na pag browser niyo, report niyo lang agad. Wag niyo iwasan na patuloy lang sa pag scroll, seconds lang naman yan para ma report.
Sa Facebook madami ako nakikitang ganito pag nag sscroll ako, kasi pag na report natin, makakatulong na din tayo ma take down ito agad agad para wala na may mabiktima lalo na ngayon na bull market.
Heto nga ang nakakalungkot, pagdating sa pagtanggap ng payment sa mga ads ang bilis ng fb pero sa pagcheck kung legit or suspicious ang account di nila ginagawa. Need pa nilang magreport ang users, kapag ganun malamang nakapangbiktima na itong mga ads na ito. Iyong responsibility to filter ay dapat nakaatang sa balikat ng socialo media dahil sila ang tumatanggap ng mga bayad nitong mga ads na ito.