Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Blockchain Bill
by
blockman
on 03/09/2025, 19:55:08 UTC
Okay naman yung proposed bill, wala akong problem dyan sa bagay na yan, ang kinaiinis ko lang mahilig talaga itong si Boy pagpag Bam Aquino kumuha ng mga bagay na hindi naman siya ang nagsimula talaga tapos palalabasin niya siya yung author, may pinagkopyahan lang siya nyan. Dahil may nauna ng gumawa ng batas tungkol dito sa Blockchain Tecnology.

At ang unang nagpanukala nyan ay isang mambabatas na si Rep. Joey Salceda nung taong 2020 at 2022 pa House bill no. 7864 18th congress
at house bill no. 658 19th congress of the republic. Na hanggang ngayon ay pending parin. Lalo na siguro dyan sa Senate magiging pending din yan for sure hindi dahil sa
negative ako, pero sa mga pulitiko na meron tayo sa ngayon kokonti lang ang matino.
Hindi ko alam paano tumatakbo itong mga proposed bill. Kung kapag kopyado ay may authorization ba ng naunang nag file para dalawa silang ma-credit kapag ito ay naisabatas na. Maganda naman ang bill na ito para sa pagkakaroon ng transparency at makita ng tao kung saan mapupunta ang bawat piso ng pondo. Dapat isapubliko din ang blockchain na gagamitin kapag may napili na sila, kasi pagkaalala ko ay yung venom blockchain yung malapit sa gobyerno dahil sa mga naunang launching dito sa bansa natin. Style na siguro si Senator yang ganyan katulad doon sa free education/college law.