Hindi ako excited sa totoo lang lalo na sa paggawa nila ng film para kay Satoshi.
Ung FTX mejo okay pa na gawan ng documentary sa kung ano ang history ng company pero ung paggawa ng film patungkol sa isang tao na wala naman silang impormasyon sa kung sino ito, or kahit clues man lang kung sino si Satoshi? Hindi ko alam kung magiging impactful ito or tatangkilikin ng mga mga taong involved sa Bitcoin. Well, sana nga may panibago silang impormasyon na ilalabas patungkol kay Satoshi na makakatulong hindi kagaya nung nakaraang documentary patungkol sa Bitcoin at kay Satoshi na wala man lang bagong impormasyon.
Sana mali ako pero hindi ako hyped pagdating dito. Papanoorin ko ba? Siguro titignan ko muna kung anong comment ng mga nanood bago ako magdedecide.