Possibly talaga na iconvert nila yan ng cryptocurrency pero sa tingin ko hindi Bitcoin ang asset na binili dahil alam naman natin na pseudonymous ang Bitcoin at hindi ito anonymous coin, meaning pwede parin matrace yung lakad nung coin at yung asset, possible siguro na Monero (XMR) yung binili nila since mag itatago na nila yung ninakaw nila, gagamit sila ng coin na mahirap or hindi talaga matatrace. Nakakalungkot lang na marami nanaman siguro saatin na sasama yung tingin sa cryptocurrency dahil kadalasan nalilink to sa hindi magandang gawain at hindi nila alam yung potential talaga nung crypto at kung paano ba talaga ito nag wowork.
Ganun na nga din pero kung marunong talaga yung mga taong nagtatrabaho sa kanila at gumamit sila ng mixer ay baka dun hindi din sila ma trace. Pero so far naman wala namang updates kung nangyayari talaga to at possibilities palang din naman.
Pero kung ganun talaga ang ginawa nila at ginamit ang Bitcoin or other crypto to launder their stolen wealth ay baka dun mapasama ang Bitcoin at crypto sa bansa natin.
Sinabi nga to ng kasama ko na ni convert nga daw ang pera nila sa Bitcoin. Kaya siguro tumaas ang presyo ngayon kung lahat ng pera nila nilagak agad?

Kung negative effect naman, posible, kasi sasabihin ng mga netizens natin na nag Bitcoin ay ginagamit ng mga kriminal na to. Pero not in the long run siguro, kung maintidihan nila kung ano ang Bitcoin. Ewan ko lang kung may batas tayo tungkol dito na pwedeng pasukahin ng mga Senator ang Bitcoin address kung totoo nga to.
Di din siguro ito ang dahilan since small portion of Bitcoin lang ang ma aambag nila sa market at di yun dahilan para gumalaw ito.
Upon checking mahirap maniwala sa mga ganitong resources kasi nga di naman sila legitimate page eh pero ayun nga possible din naman talaga nila convert yung asset nila pero hindi ganun kadali yung kasi need takes time para makahanap ng buyer para dun tapos transfer pa nila ung funds sa malaking banks into crypto space if ayaw nila ma check may nabasa rin nga ako na nag lilipat na sila ng mga savings account nila kumbaga nag papaikot na sila para pag sinilip is hindi masyadong halata. Feel ko hindi into bitcoin to kase sabi nga din ni joeperry possible ma detect din ito so ideal talaga other coins or gamit sila ng DEX.
Siguro din pero pwede din nila tingnan ang possibilities since di pwede e downplay ang kakayahan ng crypto dahil di din natin ma deny na maraming gumagamit nito para itakas ang mga illegal funds nila para hindi sila matrace.
This is the best move sa kanila pero medyo risky pa dn sa kung sino man magbebenta sa kanila ng Bitcoin since most probably through P2P transactions ito off exchanges since matra2ct pa dn transactions nila kung idadaan nila sa centralized exchange ang pera nila para maka acquire ng Bitcoin.
Unless naka cold cash sila which is high chance talaga dahil may mga vault yung ganito kayaman na tao ay possible maka invest sila sa Bitcoin na hindi matra2xk ng government.
Sobrang lala kapaga nagkaganito. Makukulong lang pero hindi mababawi lahat ng nakaw nila.
Yeah ito talaga ang pwede nilang gawin dahil anytime pwede ma freeze ang assets nila dahil. Sobrang bulgar na sa publiko na galing sa DPWH ang kanilang yaman. Biruin mo instant bilyonaryo sila sa mga kinita nila galing sa ahensya na yan.
At wala na silang lusot dyan dahil may interview sila na pinapakita ang kanilang yaman at dun talaga sila nayare ng sobra.
Tingin nyo tong ganitong gawain kung totoo man to ay magbibigay negative effect kay Bitcoin?
Kung nangyari ito ten years ago, oo ang isasagot ko pero since alam ng lahat, hindi ibig sabihin nito na magiging imposible ang pag track at seize ng mga asset nila, sa tingin ko walang negative effect on Bitcoin.
- It's worth mentioning na may mga research studies na kung saan pinapakita kung gaano kaliit ang percentage ng mga laundered funds sa pamamagitan ng bitcoin at iba pang mga cryptocurrencies compared sa mga traditional methods!Pero iba mga utak ng congressman ngayon. Alam naman natin na gagamit at gagamit sila ng ibang bagay ma e divert lang ang issue. At malay mo wrose situation if napatunayan nga na nag launder sila ng funds para makatakas ay baka madamay talaga ang Bitcoin dito.
Pwede naman talaga nilang gawin yung pag-convert ng assets into bitcoin or other crypto, pero obvious din na yung ibang page or post pang-engagement lang. Ang dami talagang Pinoy na papaniwal sa mga ganito.
Hangga't walang reliable source, masasabi ko na parang monetization lang to for engagement. Pero okay din itong post kasi kahit papaano, kung sakaling legit man at least heads up na rin para sa mga authorities.
Sana lang talaga may mangyari dito sa mga kaso, hindi lang puro salita at mauwi sa wala yung mga meeting nila sa Senado. Sa Indonesia nga, umabot na sa point na niloot yung bahay ng mga corrupt officials dito kaya satin, may mangyayari ba?
For sure ganun nga since mainit na issue ang case nila at famous narin si Bitcoin kaya there's a chance tha ganun nga ang intention ng nag post.
Sana nga may mangyari dahil for sure marami talaga ang makakasuhan dyan. At ang gusto kung makita ay dapat may mga congressman na makulong dahil sa kasong to.