Possibly talaga na iconvert nila yan ng cryptocurrency pero sa tingin ko hindi Bitcoin ang asset na binili dahil alam naman natin na pseudonymous ang Bitcoin at hindi ito anonymous coin, meaning pwede parin matrace yung lakad nung coin at yung asset, possible siguro na Monero (XMR) yung binili nila since mag itatago na nila yung ninakaw nila, gagamit sila ng coin na mahirap or hindi talaga matatrace. Nakakalungkot lang na marami nanaman siguro saatin na sasama yung tingin sa cryptocurrency dahil kadalasan nalilink to sa hindi magandang gawain at hindi nila alam yung potential talaga nung crypto at kung paano ba talaga ito nag wowork.
Ano pa ba ang aasahan natin, matagal ng masama ang tingin ng nakakarami tungkol sa bitcoin o cryptocurrency. At sa tingin ko madami ng gumagawa ng ganitong pamamaraan ng pangungurakot na dinadaan sa black market, baka nga nauna na dyan si BBM at sinundan lang sila ng mga amuyong nyang mga buwaya at kawatan din.
Kawawang bansang Pilipinas talagang nabiktima tayo ni BBM( Bigong Bigong Mamamayan) dahil BUDOL NA BUDOL ang MAMAMAYAN.